(From Left) Migo Adacer, Kelley Day, Julie Anne San Joe, and Ruru Madrid at the Barangay 143 Special Screening last October 14. (Photo from Synergy88 Entertainment)

Excited na ang mga manonood sa paparating na first Filipino anime series sa bansa, ang “Barangay 143,” na mapapanood simula ngayong Linggo (Oct 21), 10 AM, sa GMA.

Sa ginanap na special screening noong nakaraang Linggo (Oct 16) sa Gateway Cinema 5, full support sa programa ang anime fans pati na rin ang fans ng mga bidang sina Ruru Madrid, Migo Adecer, Kelley Day, at Julie Anne San Jose.

Present sa red carpet ang apat na Kapuso stars pati na rin ang iba pang voice actors na sina Jaime Fabregas, Pinky Amador, Teresa Loyzaga, Pen Medina, Alyana Asistio, Antonio Aquitania, Ping Medina, Rodfill Macasero, at Gary Lim.

 

©2018 Synergy88 Entertainment Inc. / TV Asahi

“Napakaganda! Hindi ko ine-expect na ganun ang magiging outcome nung bagong anime series sa GMA. Panoorin niyo guys!” sabi ng isang fan.

“Fan ako ng sports anime at mahilig din ako sa drama. Nandito na lahat ng hinahanap ko. Sayang nga episode one lang napanood namin kasi nakakabitin sobra,” dagdag naman ng maswerteng nakapanood ng screening.

“Maganda po yung pagkakagawa niya lalo na yung pagkaka-transition ng story. Makikita mo talaga yung character development nung magiging bida,” komento ng isa pang fan. “Gusto ko din na naka-set siya sa Tondo tapos makakakita ka ng jeepney, barangay basketball court, at iba pang mga lugar o bagay na pamilyar sa ating lahat.”

 

©2018 Synergy88 Entertainment Inc. / TV Asahi

Matutunghayan sa “Barangay 143” ang kwento ni Bren Park (Migo), isang rising basketball star sa Korea na tatalikuran ang lahat matapos baguhin ng isang pangyayari ang kanyang buhay. Sa paghahanap niya ng mga kasagutan, mapapadpad siya sa Maynila kung saan makikitira siya sa kanyang dating yaya na ni Tita Baby (Lorna) sa Barangay 143. Dito niya mahahanap ang panibagong pamilya na magtuturo sa kanya na mabuhay at magmahal muli. Agad siyang mamataan ni Coach B (John), ang coach Barangay 143 basketball team na Puzakals, na determinado siyang pabalikin sa paglalaro ng basketball. Kontra naman dito si Vicky (Julie), ang team manager ng Puzakals at anak ng coach; at Wax (Ruru), ang star player ng kalabang koponan.  Tila hindi pa tuluyang nakawala si Bren sa kanyang ugnayan sa Korea dahil balik eksena din ang kanyang ex-girlfriend na si Jinri (Kelley) na gustong makipagbalikan sa kanya.

 

Makakasama rin dito sina Cherie Gil, Edu Manzano, John Arcilla, Lorna Tolentino, Alice Dixson, Raver Eda, Benjie Paras, Archie Alemania, Jerald Napoles, Paolo Contis, Kimpoy Feliciano, Nar Cabico, Xandra Rocha, Gio Alvarez, Epy Quizon, Major Baron, at Kramer family na kinabibilangan nina Cheska, Doug, Kendra, at Scarlet.

 Ang “Barangay 143” ay co-production ng Synergy88 Entertainment Media Inc. (Philippines), August Media Holdings (Singapore), TV Asahi (Japan), at ASI Animation Studio.  Huwag palalampasin ang pilot telecast ng first Filipino anime series na “Barangay 143” ngayong Oct 21 (Sunday) na, 10AM sa GMA.

Tuloy ang viewing experience online dahil mapapanood ang “Barangay 143” online show sa Facebook and YouTube simula sa parehong araw sa ganap na 10:30 AM.

 

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/brgy143, i-follow ang @brgy143 sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa www.youtube.com/brgy143.


DISCLAIMER: The materials seen above was sent to Anime Pilipinas as a part of the promotional campaign of Synergy88 Entertainment Media Inc., and we are not responsible for the content. Subject to change without prior notice.