Ilulunsad na ng MNL48, ang kauna-unahang all-Filipina idol group ng bansa na binuo sa “It’s Showtime,” ang kanilang debut single sailalim ng Star Music ngayon buwan na may titulong “Aitakatta – Gustong Makita,” ang Pinoy version ng big hit na “Aitakatta” mula sa sister group nito, ang phenomenal musical act ng Japan na AKB48.
Magiging bahagi ang awiting “Aitakatta – Gustong Makita” ng kanilang debut album na kasalukuyang binubuo sa ilalim din ng Star Music at ilulunsad sa susunod na taon.
Nabuo ang sing-and-dance group na MNL48 sa pangunguna ng ABS-CBN at Hallohallo Entertainment, habang ang mga miyembro nito ay maingat na napili sa talent search na tumagal na apat na buwan sa “It’s Showtime.”
Sa naganap na media conference sa Movie Stars Café sa Quezon City, ipinasilip ng MNL48 ang kanilang music video para sa “Aitakatta – Gustong Makita” na malapit na ring ilunsad.
Kinuhanan ito sa Intramuros at Manila Bay upang magpakita ng mga makasaysayang tanawin. Hango rin ito sa orihinal na music video ng MNL48 para sa “Aitakatta” na naglalayong maipadama sa mga Pinoy kung ano ang tunay na ibig sabihin ng ‘idol.’
Bukod sa awiting “Aitakatta – Gustong Makita,” kabilang din ang mga tracks na “Sakura no Hanabiratachi – Talulot ng Sakura” at “Skirt Hirari – Umiindak na Saya” at instrumental versions ng tatlong kanta sa nalalapit na album ng grupo.
Maaaring mapanood ang MNL48 girls sa kanilang daily online show, ang MNLife at MNLaugh, live sa kanilang official Facebook page (@mnl48official) at YouTube Channel (MNL48) tuwing 6 PM. Ang mga Hashtag members na sina Luke Conde, Maru Delgado, Nikko Natividad at Zeus Collins ng “It’s Showtime” ang hosts nito. Mapapanood ang MNLife tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang ang MNLaugh ay mapapanood naman tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
Abangan ang debut single ng MNL48 sa digital stores. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
About ABS-CBN Corporation
ABS-CBN Corporation is the Philippines’ leading media and entertainment organization. The Company is primarily involved in television and radio broadcasting, as well as in the production of television and radio programming for domestic and international audiences and other related businesses. ABS-CBN produces a wide variety of engaging world-class entertainment programs in multiple genres and balanced, credible news programs that are aired on free-to-air television. The company is also one of the leading radio broadcasters, operating eighteen radio stations throughout the key cities of the Philippines. ABS-CBN provides news and entertainment programming for eight channels on cable TV and operates the country’s largest cable TV service provider. The Company also owns the leading cinema and music production and distribution outfits in the country. It brings its content to worldwide audiences via cable, satellite, online and mobile. In addition, ABS-CBN has business interests in merchandising and licensing, mobile and online multimedia services, glossy magazine publishing, video and audio post production, overseas telecommunication services, money remittance, cargo forwarding, TV shopping services, theme park development and management, property management and food and restaurant services, and cinema management, all of which complement and enhance the Company’s strength in content production and distribution. The Company is also the first TV network in the country to broadcast in digital. In 2015, it commercially rolled out its digital TV box, ABS-CBN TVplus, to prepare for the country’s switch to digital TV.
DISCLAIMER: The materials seen above was sent to Anime Pilipinas as a part of the promotional campaign of ABS-CBN Corportation, and we are not responsible for the content. Subject to change without prior notice.