Photo from ABS-CBN

Mapapanood na ang highest grossing anime movie of all time ng Japan na “Your Name” (“Kimi No Na Wa”) ngayong Linggo (Feb 18) sa “KB Family Weekend” ng ABS-CBN.

 

Sundan ang kwento ng high school students na sina Mitsuha at Taki, dalawang magkaibang nilalang na may sariling mga buhay. Dahil sa isang meteor shower, magkakapalit sila ng katawan at mararanasang mamuhay ng ibang tao.

Paulit-ulit na mangyayari ang pagpapalit hanggang sa nakasanayan na nila ang pagkakaroo ng ikalawang mundo bukod sa kinagisnan nila. Sa pagtagal ng panahon ay lumalaki rin ang kagustuhan nila na makilala na ang isa’t isa ng personal.

Para maisakatuparan iyon ay mag-iiwan sila ng mga mensahe at bakas sa tuwing sila ay nagpapalit ng katawan. Ngunit, tila hindi magiging madali ang lahat lalo pa’t oras at kapalaran ang kanilang binabangga.

Magtagpo pa kaya ang mga landas nina Mitsuha at Taki? O mananatili silang magkalayo magpakailanman?

 

Nasa US$190 million ang kinita ng anime movie na “Your Name” at nakatanggap pa ito ng parangal mula sa ibat ibang award giving bodies tulad ng Tokyo International Film Festival, Newtype Anime Awards, Los Angeles Film Critics Association Awards, Asian Film Awards at Anime Festival.

Panoorin ang “Your Name,” first time sa TV, ngayong Linggo (Feb 18), 10:15 am sa “KB Family Weekend” ng ABS-CBN.


DISCLAIMER: The materials seen above was sent to Anime Pilipinas as a part of the promotional campaign of ABS-CBN Corportation, and we are not responsible for the content. Subject to change without prior notice.