EDITOR’S NOTE: This opinion piece was written by Marlo Magtibay (@AnimeKabayan on Twitter), who is a former radio DJ in San Pablo City, Laguna & the co-founder of ZEN Otaku Honbu, which is the predecessor to this website. He is a part of various anime organizations in Laguna, and also a contributor to this website. The views and opinions expressed by the writer do not necessarily reflect the views of Anime Pilipinas, its members, partners and colleagues.

 

Isang manigong bagong taon sa ating lahat. Sana ang taong 2015 ay maging kapaki-pakinabang para sa lahat ng nasa loob ng Japanese anime fandom sa bansa.

Sa bawat pagpasok ng bagong taon, para sa ating mga anime fans, umaasa tayong makakapanood ng magaganda at maraming titles sa telebisyon. Marami man sa atin ang nawalan na ng pag-asa sa Free TV dahil sa paraan ng pagtrato nila sa mga ineere nilang mga anime titles, meron pa ring mga taong katulad ko ang patuloy na nagtitiyaga at umaasa na makakamit din natin ang tama, patas at makatarungang pagpapalabas sa mga anime titles.

Ngayong nalalapit na ang panahon ng Digital TV, kahit paano ay may lugar na tayo para patuloy na humugot ng kasiyahan at inspirasyon.

Sa mga news items na inilabas ng Anime Pilipinas kaugnay ng mga aasahan nating ngayong taong 2015, kapag sumapit ulit tayo sa panahong magpapalit na naman ng taon, sikapin nating balikan ang mga ibinalita namin sa inyo upang matiyak na tama ang gagawin nating paghusga sa kanilang mga performance. Pero sa ngayon, focus muna tayo sa mga mangyayari sa Free TV.

 

© NIPPON ANIMATION CO., LTD.
© NIPPON ANIMATION CO., LTD.

Sa mga nagdaang buwan ng taong 2014, iba’t ibang reaksyon ang umikot sa muling pag-ere ng Princess Sarah. Ang mga nagkalat na “patatas memes” ang itinuturong dahilan kung bakit ito muling ipinalabas. At least, may mga nakita akong memes para sa Cedie at Dog of Flanders.

Gusto kong maging makatarungan sa pagsasabing hindi kailanman masama ang muling pag-ere ng mga titles na ito. Kailangan lang ikonsidera ang ilang mga puntos para maging katanggap-tanggap sa mga manonood oras na isagawa ang hakbanging ito.

Una, kalian ba ito huling napanood? Ikalawa, napapanahon ba para ipalabas ulit ito? At pangatlo, ano ang magiging reaksyon ng mga manonood kapag inere ulit ito? Maaaring pasok sa unang punto ang Sarah, Tom Sawyer, Dog of Flanders at Cedie. Pero sa pangalawa at pangatlong punto, mukhang iba ang naging tugon ng mga manonood.

Kung meron mang at least magandang bagay sa pag-eere ng mga ito, iyan ay ang pananatili ng “original” Tagalog-dubbed version nito… May mga pagkakataon kasi na ang Sarah, Cedie at ang Peter Pan ay ni-redubbed, at ang ibang mga fans ay nahahalata ito at hindi nagugustuhan.

 

A meme featuring the classic anime A Little Princess Sara.Noong una, naaaliw pa ako sa Princess Sarah dahil pwede kong gawing tampulan ng mga posibleng memes at “patatas jokes”. Sa pagkakaalam ko, isang episode lang doon ang may kinalaman sa patatas. Mukhang mula doon sa episode na iyun ay lumawak ang “creativity” ng mga nagpapatawa sa internet kung kaya ang kabuuan ng anime series ay ikinakabit na sa mga jokes na may kinalaman sa patatas. Hindi rin naging ligtas ang mga memes na may kinalaman sa umano ay kabaligtarang ugali ni Sarah (tulad ng “Isa pa, Lottie. Tatamaan ka talaga”).

Nakakadismayang isipin na parang walang ginagawa ang Acquisitions department ng ABS-CBN at mukhang wala tayong maaasahan sa kanila sa pagpasok ng taong 2015. Liban na lang kung ipagpapatuloy nila ang pag-ere ng Naruto Shipuuden at Kuroko’s Basketball, puro mga classic drama titles na lamang ang makikita sa kanila tuwing weekday mornings.

In fact, nawala muli sa ere ang “Team Animazing” block, at bumalik sila sa pag-gamit ng “Umaganda”, na ka-hanay ng programa ni Kris Aquino.

Again, walang masamang i-ere ulit ang mga napapanood natin ngayon sa ABS-CBN, maaaring gusto nga naman nilang maiba pansamantala (o pansamantagal) ang viewing habits natin. Pero maraming mga magagandang anime titles dyan ang nararapat na i-ere pero mukhang natutulog ang department nila sa pansitan.

 

Samantala, kung noon ay sa panahon lang ng Semana Santa (Holy Week) natin nadadatnan ang yearly line-up ng “Kapuso Network”, sa lumipas na dalawang taon ay inilalabas na nila ito tuwing magpapalit ng taon.

Sa taong 2015, ang malakas maka-throwback na Time Quest, ang mga bago tulad ng Magi, Ring ni Kakero, Gyrozetter, kasama ang mga new season ng mga long run titles at mga anime movies ang hain ng GMA-7 sa atin. Pero matatandaan natin na walang kasiguraduhan na maipapalabas lahat ng mga titles ngayon taon, at minsan umabot pa ng isa hanggang dalawang taon bago naipalabas sa “Kapuso Network”.

Hindi kasama dito at hindi pa rin maiiwasan ang mga paniguradong mga gasgasing mga palabas tulad ng Slam Dunk at Ghost Fighter (Yu Yu Hakusho). Ang pagpapalabas ng tokusatsu series na Kamen Rider OOO ay isang surpresa last year, kaya sana masundan pa ito.

Nasabi ko na ba na malakas maka-throwback ang Time Quest?

 

©1989 Tatsunoko ProductionNabanggit na rin lang ang Time Quest, alam kong may mga anime titles kasamang naipalabas ng Time Quest noong panahong ipinapalabas ito sa IBC-13 at maging noong na-redubbed ito sa ABC-5 (ngayon ay TV5). Kung sumagi man sa isip ng mga nasa ABS-CBN na may mga titles na nararapat na i-ere ulit, hindi pa naman huli para ikonsidera ito.

Tutal, sila rin naman ang nagpasimula ng “decade-time throwback” ng mga hawak nilang titles at nagkataong “throwback” din naman ang sagot ng GMA, kung hindi man kayang higitan ng “Kapamilya Network” ay tapatan man lang nila ang ginawa ng “Kapuso Network”.

Kung sa mga nakalipas na mga taon ay hindi isinaalang-alang (o binabalewala, hindi pinakikinggan at ang malala pa dito ay sinusupil pa) ang mga saloobin ng kanilang mga manonood, sa kalagayan ngayon ng ABS-CBN ay nararapat lang na making sila.

Sigurado akong madidiskaril pa ang morning block nila dahil sa NBA Finals sa pagitan ng buwan ng Mayo at Hunyo. Mukha kasing mahirap basagin ang paniniwala nilang Naruto at Kuroko lang ang nagpapataas ng ratings nila tuwing umaga. Bakit hindi nila pakinggan ang mga suhestiyon ng kanilang manonood para mabigyan ng bagong buhay ang kanilang morning block, at hindi nagtitiis sa pagmumukha ni Kris Aquino?

Hindi naman kaya ang dahilan ng paghina ng morning block ng “Kapamilya Network” ay hindi nila nararamdaman ang pagtangkilik ng kanilang mga viewers? Sa pagpapalabas ng Sarah at iba pang katulad nito, mukhang nasubok ang pasensya at katuwiran ng mga nanonood.

 

Isa pang bagay, for the Nth time, bago kayo mag-react na “ulit na naman” ang isang anime title, tiyakin ninyo muna kung new season ang ipapalabas nila o back to episode 1 bago madugtungan ng bagong set ng episodes. Ang hirap kasi sa iba, madaling silang mag-react at kung mag-post ay padalos-dalos. Lalabas na magmumukha kayong mga engot sa ginagawa ninyo!

At para sa lahat ng mga anime fan o mga weeaboo dyan, naka-cable man kayo o naka-antenna lang, huwag agad kayong maniwala sa mga kumakalat na mga tsismis, lalong lalo na yung nadadatnan ko tungkol sa TV5 AniMEGA kuno.

Hanggang hindi ito inaanunsyo mula mismo sa network o kinukumpirma ng mga anime news sources (katulad dito sa Anime Pilipnas), ang mga iyun ay hindi totoo… kasi lalong lalabas na magmumukha kayong mga engot.


The views and opinions expressed by the writer do not necessarily reflect the views of Anime Pilipinas, its members, partners and colleagues. If you have comments or reactions, please email us at [email protected].

Marlo Magtibay (known online as Anime Kabayan) is an anime fan since year 1999 from San Pablo City, Laguna, Philippines. He is known for his strong commentaries on anime programming, specially on the local TV channels. His writings was also published in the entertainment section of Abante and Abante Tonite, two of the tabloids in the Philippines. Currently, he observing the PHL anime industry and cosplay locally in San Pablo City and Laguna.