Anime fans and ordinary flock converged at the SM Megamall Megatrade Hall 3 for the Ozine Fest Anime Figure Special last December 28 and 29, 2013) (Photo from Khrizz Jhay Pangilinan)

Ang Ozine Fest ang masasabi nating isa sa mga pinakamalaking anime event na dinaraos taon-taon. Nagsimula lamang sa isang simpleng event noong 2005, lumawak na ito at ngayon at naging apat na events na dinaraos kada taon.

Ang Otaku Expo, tuwing 1st at 3rd quarter ng taon, Ang Ozine Fest, na dinadaos tuwing Abril, at ang Ozine Fest: Anime Figure Special, na siyang masasabi nating huling event ng taon.

Lagi kong nababalitaan ang mga nangyayari sa mga event ng Ozine sa pamamagitan ng mga kasamahan natin sa Anime Pilipinas, at nang nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta, di ko ito pinalampas.

 

Noong Disyembre 29, nagpunta ako sa SM Megamall Megatrade Hall 3 para obserbahan kong boluntaryo ang naturang event dahil sa ako, kasama ang kapatid ko at ang mga kaibigan namin dito sa San Pablo City ay nagkayayaang pumunta doon.

Hindi tulad ng napuntahan naming Toycon/Hero Face Off 2013 noong June kung saan as early as 6:00 am kami bumiyahe, dito sa Ozine Fest ay bandang 10:00 am na kami sumakay ng bus.

Nang makarating kami sa SM Megamall, unang napansin ko na hindi masyadong marami ang tao sa loob ng mall. Well, dahil siguro sa bandang tanghali na kasi kaming nakarating. Napansin ko rin na dapat ramdam ng mga mall goers ang event na ginaganap doon, pero mukhang sa mga oras na iyon, hindi ito masyadong naramdaman. Kahit dungawin ko ang pinaka-itaas ng mall – ang 5th floor kung saan naroon ang Megatrade Hall ay iilang cosplayer o costripper ang gumagala doon.

 

Nang kami ay umakyat na sa 5th floor para puntahan ang Megatrade Hall 3 upang bumili ng ticket, napansin ko na sa unahan ng binuksang hall para sa event, doon nagkukumpulan ang mga event goers. Pero hindi kami agad pumasok sa loob dahil ang ilan sa mga kasama namin ay magbibihis ng kanilang mga costume, kasama doon si Carlo sa magko-cosplay.

Inabot kami ng lampas 2:00 pm nang matapos magbihis ang mga kasama naming at agad bumalik sa Megatrade Hall 3. Nang mga oras na iyon ay doon pa lang dumagsa ang mga tao. Kumbaga, ang surge ng mga late event comers ay tumapak na pagdating ng early afternoon, pero kahit paano ay nagawa kong makapagtanong sa dalawang event staff tungkol sa kanilang mga pananaw sa araw na iyon.

 

Photo from Khrizz Jhay Pangilinan
Photo from Khrizz Jhay Pangilinan

Ayon sa dalawang event staff na nakausap ko, nagkaisa sila sa pagsasabing hindi nila inasahan ang dami ng mga taong nagpunta para sa event. Aminado sila na hindi sapat ang isang Megatrade Hall para i-accommodate ang mga event goers.

Ebidensya nga riyan ang obserbasyon ko na nagkukumpulan ang mga cosplayers sa unahan ng binuksang hall. Natiyempuhan ko ang pagbukas ng Hall 2 para pa rin sa mga event goer. Kung tutuusin, dapat sinamantala at pinasok ito ng mga taong may hawak ng ticket, lalo na sa mga cosplayers upang maibsan ang dami ng mga nasa unahan ng Hall 3.

Pero mukhang pinili pa rin ng karamihan na makipagsiksikan sa labas ng hall.

 

Kung gaano ang limitadong espasyo na ginamit para sa event, ganun din ang bilang ng mga booths na nasa loob. Pero natitiyak ko na worth viewing at worth buying ang mga items na ibinebenta doon.

Hindi ko na rin napasok ang Maid Café dahil sa limitadong budget.

 

Photo from Raul L. Torres, Jr.
Photo from Raul L. Torres, Jr.

In the end, anumang problema, aberya at pagod ang harapin ng bawat dumalo, pinakamahalaga ay masaya at nag-enjoy ang mga naroon. Siyempre, kasama ako at ng mga kaibigan ko. Para sa akin, masuwerte na ang makapunta ng dalawang event sa NCR sa loob ng taong ito ng 2013.

Muli, Eto po ang inyong Anime Kabayan, bumabati po ng isang belated Happy New Year sa ating lahat, anime viewers, otakus, cosplayers. Sabi nga, “Ang tama, PURIHIN. Ang mali, KASTIGUHIN”.

Hangga’t buhay ako, di kayo uubra. Tandaan nyo yan.

 

MARAMING SALAMAT! Una, ang mga nakasama namin ni Carlo sa pagbiyahe papunta sa event. Sina Andrea Din, Raul L. Torres, Jr., JD Bosconovitch, Jack Cerdan at Khrizz Jhay Pangilinan. Sana sa bagong taong ito ng 2014 ay makasama naming kayo sa mga susunod na pagkakataon. Salamat din kay Seramiah Asheera sa pagsama sa amin.

 

EDITOR’S NOTE: Marlo Magtibay is one of the three (3) founders of the anime message boards ZEN Otaku Honbu, which is the former name of this website. He is still a part of this group as a contributor. You may send him a tweet on Twitter at @AnimeKabayan. This article was also edited by Red Mendoza, and you may follow him on Twitter at @knightkira.

Also, we have intentionally kept this piece in Filipino to tell his story from his point of view. Anime Pilipinas will not be strict in viewpoints from any languages, whether English or Filipino.

 


DISCLAIMER: The views & opinions expressed by the writer of this piece does not necessary reflect the views of Anime Pilipinas, its friends and partners.

Marlo Magtibay
Marlo Magtibay (known online as Anime Kabayan) is an anime fan since year 1999 from San Pablo City, Laguna, Philippines. He is known for his strong commentaries on anime programming, specially on the local TV channels. His writings was also published in the entertainment section of Abante and Abante Tonite, two of the tabloids in the Philippines. Currently, he observing the PHL anime industry and cosplay locally in San Pablo City and Laguna.